MAYON VOLCANO

LEGAZPI CITY-Ipinaliwanag ng Department of Environment and Natural Resources Bicol na hindi dapat ikabahala ng mga residente sa palibot ng Bulkang Mayon ang air quality dahil nanatili itong nasa ‘Good Level’.


Ayon kay DENR-Environmental Management Bureau Bicol Regional Director Geri-Geronimo Sañez sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na hanggang ngayon ay nasa ‘Good Level’ pa rin ito at may mga kalkulasyon para malaman ang kondisyon ng hangin.


Base umano ito sa kanilang tinatawag na “Air Quality Index” mula sa Good o Fair, Healthy o Acute Unhealthy at Emergency bilang mga precautionary statement.


Nagkakaroon umano ng pagtaas sa air quality depende sa direksyon ng hangin sa mga lugar.


Patuloy rin silang nagsasagawa ng ulat tungkol sa indikasyon ng magmatic eruption araw-araw para sa parameters ng Bulkang Mayon.


Kasalukuyan rin nilang binabantayan ang pagbuga ng Sulfur Dioxide galing rito.


Dapat aniyang maging handa pa rin at siguruhin ang pagsusuot ng facemask habang nasa good quality ito lalo na sa may mga asthma o sensitibong kondisyon