LEGAZPI CITY- Agad na pinapa-aksyunan ng isang mambabatas sa pamahalaan ang mas lumalalang epekto ng harabas o army worms na nagdudulot ng malaking pinsala sa ilang lalawigan sa bansa.
Ayon kay Agap Partylist Representative Nicanor Briones sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kinakailangang mapaabutan ng ayuda ang mga magsasaka at mabigyan ng gamot upang maisalba ang mga pananim na sibuyas at palay.
Kinakailangan aniyang makontrol ang sitwasyon upang hindi na kumalat pa sa ibang mga pananim.
Paliwanag ng mambabatas na dagdag na suliranin ito para sa mga magsasaka lalo pa sa gitna ng epekto ng El NiƱo phenomenon.
Paulit-ulit na lamang aniyang nangyayari ang ganitong mga pangyayari subalit tila hindi na-aaksyunan.
Ayon kay Briones na may mga nakarating nang ulat sakanilang tanggapan kaya agad na nakipag-ugnayan sa Bureau of Plant Industry ng Department of Agriculture upang agad na maaksyunan.