LEGAZPI CITY – Aabot sa P2 bilyon na pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa pagpapatayo ng mga fire stations sa lahat ng mga bayan sa Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay FSInsp. Edgar Tañajura Jr., tagapagsalita ng Bureau of Fire Protection Bicol, gagamitin umano ang pondo para sa modernization program ng tanggapan na layuning mas mapabilis pa ang pag-responde sa mga insidente ng sunog.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 107 na fire stations sa Bicol subalit limangbayan pa ang walang himpilan kabilang na ang Bagamanoc sa Catanduanes; Talisay sa Camarines Norte at Palanas, Batoan at Claveria sa Masbate.
Ayon kay Tañajura na gumagawa na ng hakbang ang ahensya upang makahanap ng pwestong pagtatayuan ng mga fire stations.
Habang wala pa, nagpapadala muna ng mga fire trucks at bumbero ang mga fire stations sa kalapit na mga bayan upang may magbabantay pa rin at nakahanda na mag-responde sakaling magkaroon ng sunog.
Siniguro naman ng ahensya na gagamitin ang pondo upang mapalakas ang pagbibigay ng serbisyo sa mga Bicolan.