LEGAZPI CITY—Hindi naitago ang kalungkutan ng ilang magsasaka sa bayan ng Camalig, Albay matapos na mapinsala ang kanilang mga pananim dahil sa ashfall na mula sa pag-alburoto ng bulkang Mayon.
Ayon sa isang magsasaka ng nasabing lugar na si Leila Guiriba, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kasama sa mga apektadong pananim ay kagaya ng gulay na sitaw, petchay at iba pa kung saan wala na silang maani dahil ang iilan dito ay nasira na habang ang iba ay namatay na.
Aniya na kanila na lamang nakita ang mga pananim na gulay na nababalot sa kulay puti dahil sa nararananasang pagbuga makapal na abo mula sa bulkan.
Dahil dito naging alternatibo muna nila an kahit papano paggawa ng tindahan na kanilang na pinagkukunan ng pagkakagastusan sa pang-araw araw na pamumuhay.
Dagdag nito na nakakatanggap din sila ng mga pagkain at cash assistance na mula sa gobierno.
Samantala, nanawagan naman si Guiriba na matulungan sila upang makabangon muli sa naging epekto ng mga aktibidad ng nasabing bulkan.











