LEGAZPI CITY – Aabot sa P100 milyon ang inilaan na pondo ng Department of Social Welfare and Development para sa social pension ng mga mahihirap na senior citizens sa Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Maria Vivien Cea, head ng Albay Provincial Social Welfare and Development Office sinabi nito na sinimulan na ang pamamahagi ng naturang pensyon sa ilang senior citizens sa first district ng lalawigan.
Sa susunod na linggo naman ay nakatakdang mamahagi nito sa mga residente ng 2nd district at isusunod na ang sa ikatlong distrito ng Albay.
Sa ilalim ng programa, nasa P1,000 ang matatanggap na pensyon kada buwan ng mga edad 60-anyos pataas bilang tulong sa gastusin ng mga ito sa gamot at pagkain.
Ayon kay Cea, layunin ng programa na matulungan ang mga mahihirap na ma-edad na upang mapagaan ang kanilang sitwasyon sa buhay.