LEGAZPI CITY-Ipinakita ng ICC prosecutors ang ilang mga ‘accomplishment’ ni Former President Rodrigo Roa Duterte, sa ilalim ng kaniyang illegal drugs campaign noong pangulo pa siya ng Pilipinas.
Nakalakip dito ang umano’y libu-libong bilang ng mga namatay noong kasagsagan ng naturang kampaniya.
Kabilang sa mga ipinakita ng panel ay ang report ng Presidential Communications Office noong 2017 kung saan nakasaad na may mahigit 3,000 bilang ng mga nasawi sa ilang serye ng police operations.
Tinanong ng Trial judges ang panel kung nasuri ng isang abogado at hindi lamang ng isang analyst ang mga ebidensiya nito, kasama na ang ‘accomplishment report’ ng Duterte administration.
Pero iginiit ng prosecutors na bagaman hindi nasuri ng isang abogado ang bawat page, pinag-igihan aniya ng prosecution na suriin ito, kasama ang isang analyst.
Nakahanda rin aniya ang panel na balikan ulit ito kung ipag-uutos ng Trial Chamber III.










