Kasabay ng pagpresenta ng prosekusyon kay Atty. Michael Poa bilang testigo sa ika-21 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay nagpasya ang Senate impeachment court na ideklara ito bilang hostile witness.
Matatandaan na si Poa ay itinuturing na isa sa mga pinagkakatiwalaan ng pangalawang pangulo.
Dahil dito ay nabigyan ng pagkakataon si House Prosecutor Atty. Benjamin Tolosa Jr. na magtanong ng leading questions.
Sa kabila nito ay muling nagpaalala si Senate impeachment court presiding officer Chiz Escudero na hindi pinapahintulutan ang misleading questions.











