LEGAZPI CITY- Muling nakapagtala ng pagbuga ng abo ang Bulkang Mayon, alas-8:30 nitong umaga, Agosto 26, 2026.
Nagdulot ito ng grayish plume na napadpad sa silangan-hilagang-silangan.
Matatandaan na kahapon ay nakapagtala rin ng ash emission sa naturang bulkan.
Ang Mayon volcano ay kasalukuyang nananatili sa alert level 2 status.
Samantala, patuloy naman ang paalala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na iwasan ang pagpasok sa 6-km radius Permanent Danger Zone ng bulkan.











