Masbate quake

LEGAZPI CITY- Niyanig ng magkasunod na lindol ang Claveria, Masbate nitong umaga, Hulyo 13, 2026.

Unang naramdaman ang magnitude 2.9 bandang alas-8: 52 ng umaga na agad naman na nasundan ng mas malakas na magnitude 4.8.

May lalim itong 7km at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman rin ang Instrumental Intensity III sa Castilla, Donsol, at Sorsogon City sa lalawigan ng Sorsogon.

Intensity II naman sa Aroroy, Masbate; Pili, Ragay, at Sipocot sa Camarines Sur at Tabaco City sa Albay.

Intensity I naman sa Bulusan, Sorsogon at Batauan, Masbate.

Samantala, bandang alas-903 ng umaga ay nasundan pa ang pagyanig ng magnitude 1.6.