
LEGAZPI CITY-Inaresto ang dating Gobernador ng Ilocos Sur na si Luis “Chavit” Singson nitong Huwebes ng hapon, Hunyo 11, 2026, dahil sa kasong cyberlibel, ayon sa ulat ng pulisya.
Dagdag pa ng kapulisan na inaresto si Singson sa isang gate village sa Barangay Ugong Norte, Quezon City.
Samantala, hindi naman nagbigay ng iba pang detalye kung nakapagpiyansa na si Singson.
Matatandaang una ng sinabi ni Singson na handa siyang ihayag ang kaniyang nalalaman tungkol sa mga mga nadiskubreng anomalya sa mga flood control projects ng gobierno.










