LEGAZPI CITY-Patuloy na nagaganap ngayon ang mataas na aktibidad at minor strombolian activity sa Bulkang Mayon habang nananatili ito sa Alert Level 3, ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Dumadaloy pa rin ang lava sa bahagi ng Basud (3.8 km), Bonga (3.1 km), at Mi-isi (1.3 km) gullies, na may panaka-naka at mahihinang strombolian activity gayundin ang maikling lava fountaining.
Naitala naman ang 253 volcanic earthquakes, 297 rockfall events, at 8 pyroclasstic density current signals o “uson”.
Samantala nasa 2, 466 tonelada naman ng Sulfur Dioxide Flux(SO2) emission ang naitala simula noong Marso 12, 2026.
Sa ngayon, nakikita pa rin ang banaag o crater glow sa Bulkang Mayon at mayroon itong inilalabas na plume (steaming) na mayroong 800 meters na taas mula sa crater.
Namamagi pa rin ang bulkang Mayon at mayroong katamtamang pagsingaw na napadpad sa timog-silangan at timog-kanluran.
Mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagpasok sa danger zones mula sa bulkang Mayon.











