ALECO LINE MAN
ALECO power rates

Nagpalabas ng abiso ang Albay Electric Cooperative hinggil sa posibleng pagtaas ng singil sa kuryente para sa Marso at sa mga susunod pang buwan.

Paliwanag nito na ang tensyon sa Gitnang Silangan ay mayroong direktang epekto sa pangdaigdigang ekonomiya.

Nagkataon pa ito sa papalapit na summer season kung saan nakakaranas ng mainit na panahon na nagiging dahilan ng pagtaas ng pangangailangan sa kuryente.

Dahil dito ay hinikayat ng pamunuan ng ALECO ang mga Member-Consumer-Owners na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Samantala, matatandaa na nitong buwan ng Pebrero ay nagkaroon rin ng pagtaas sa presyo ng kuryente sa lalawigan.