LEGAZPI CITY- Nasabat ng mga otoridad ang aabot sa isang bilyong pisong halaga ng high grade marijuana o kush sa Manila International Container Port sa Tondo, Manila.
Una nito ay nagsagawa ng operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency Seaport Interdiction Unit – Manila International Container Port at PDEA National Capital Region, K9 Unit, kasama pa ang Bureau of Customs (BOC) MICP- Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) at Philippine Coast Guard.
Nagresulta ito sa pagkakasamsam ng tinatayang nasa 800 kilo ng marijuana na nakasilid sa 80 piraso ng itim na plastic storage box na naglalaman ng 20 pirsao ng vacuum sealed transparent plastic bag.
Nagkakahalaga ito ng P912,000,000.
Naaresto naman ang isang inidbidwal na residente ng Barangay Cruzada, Legazpi City.
Sa kasalukuyan an naipadala na sa PDEA Laboratory Service ang naturang mga kontrabando para sa kaukulang forensic examination.











