LEGAZPI CITY-Kinuswestyun ni DPWH Secretary Vince Dizon ang konstruksyon ng flyover sa Daraga Albay sa isinagawang road inspection nito sa probinsya.

Ayon sa pahayag ni Sec. Dizon na matagal na umano itong isinagawa mula pa noong 2021 ngunit napagalamang 12% pa lamang ang konstruksyon nito.

Lumalabas rin na alanganin umano ito dahil one lane lamang at mayroong manipis na konstruksyon.

Sinabi rin ng kalihim na nasa P159 Milyon ang kabuuang pondong ipinalabas para sa proyektong ito.

Sa ngayon, nangangailangan umano ito ng karagdagang P290 Milyon at inaasahang matatapos ito sa taong 2027.