LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang monitoring sa mga aktibidad ng bulkang Mayon na kasalukuyang nasa alert level 3 status pa rin.
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nagbuga ang bulkan ng nasa 6, 110 tonelada ng sulfur dioxide na naitala nitong Enero 23, 2026.
Maliban dito ay naitala rin ang 261 rockfall events sa nakalipas na magdamag.
Bahagya naman na bumaba ang naitalang pyroclastic density current na nasa 29 lamang sa buong magdamag.
Samantala, patuloy naman ang pagbuga ng lava dome at naitatalang lava flow sa bulkan.











