LEGAZPI CITY– Tinawag ng isang mambabatas na politically motivated ang pag-apruba ng Senado sa panawagan sa International Criminal Court na isailalim sa house arrest si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers Representative Antonio Tinio sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ang naturang hakbang ay tila paghahanda a para sa 2028 elections.
Aniya, maaga pa lamang ay maraming mga personalidad na ang humahanay sa panig ng mga Duterte.
Subalit iginiit ng mambabatas na hustisya ang kailangang manaig lalo pa at nasa International Criminal Court ang dating pangulo dahil sa mga mabibigat na krimen ng crimes against humanities.
Matatandaan na mahigpit na kinontra ng Makabayan block ang pagsasailalim sa house arrest ni dating pangulong Duterte.
Dagdag pa ni Tinio na maraming mga ordinaryong mamamayan na senior citizens at may sakit na mga nakakulong sa Pilipinas subalit hindi nabibigyan ng house arrest.
Dapat aniya na maging pantay ang batas para sa lahat.