LEGAZPI CITY—Ipinahayag ng state weather bureau na aabot sa dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng lumapit sa rehiyon ng Bicol o sa silangang bahagi ng bansa ngayong taon.


Ayon kay Catanduanes Weather Specialist Jun Pantino, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, batay sa kanilang pagtataya na hindi lang basta ito isang bagyo kundi malalakas na bagyo ang posibleng makakaapekto sa Bicol.


Sinabi rin ng opisyal na aabot sa isa o dalawang bagyo na papasok sa Philippine Area of ​​​​Responsibility ang posibleng maging ganap na Super Typhoon.


Samantala, inaasahang nasa 19 na bagyo ang papasok sa Philippine Area of ​​​​Responsibility ngayong taon.


Paalala ni Pantino sa publiko na habang hindi pa masyadong nararanasan ang mga ganitong sama ng panahon ay dapat nang ihanda ang kanilang mga kabahayan upang hindi rin masyadong maapektuhan sa panahon ng tag-ulan.