LEGAZPI CITY- Nagsagawa ng inspeksyon ang mga kinauukulan sa bayan ng Claveria, Masbate matapos ang naitalang magnitude 4.9 na lindol sa lugar.
Ayon kay Claveria Fire Station spokesperson Fire Officer 1 Mailen Germina sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na wala namang matinding pinsala sa naturang bayan.
Subalit nabatid na isang residential property ang nagtamo ng pinsala sa Barangay Nonoc sa naturang bayan.
Paliwanag ng opisyal na nag-crack ang dingding ng naturang bahay na sinasabing dulot ng pagyanig.
Dahil dito ay pansamantala munang inilikas ang pamilya na nakatira sa naturang bahay.
Ayon kay Germina na magsasagawa muna ng assesment ang engineering office upang madetermina kung ligtas tirahan ang naturang bahay.