Chinese vessel in Catanduanes

LEGAZPI CITY- Nakatakdang maghain ng resolusyon si Catanduanes Board Member Edwin Tanael sa Lunes, kung saan hihingin ang opinyon ng publiko kaugnay ng planong paglalagay ng naval base sa Panay Island sa Panganiban.

Ito ay kasunod ng namataan na barko ng China sa bahagi ng Viga, Catanduanes.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa opisyal, sinabi nito na layunin ng hakbang na mas mapalakas pa ang pagbabantay sa territorial waters ng naturang island province.

Ayon kay Tanael na kinakailangan munang magkaroon ng konsultasyon sa mga mamamayan hinggil sa naturang plano.

Matatandaan na sa pagtungo ng isang Chinese vessel sa Catanduanes, naghulog umano ito ng unidentified floating object na nagresulta sa pagkawala ng automatic information system ng mga barkong naglalayag sa lugar.

Samantala, sinabi ng opisyal na nag-request na sila sa Philippine Navy na magsagawa ng regular na pagpapatrolya sa lugar upang ma-minotor ang mga foreign vessels na pumapasok sa katubigang sakop ng lalawigan.