LEGAZPI CITY – Ngayong pa lang ay makulay na ang mga ginagawang paghahanda ng lalawigan ng Sorsogon para sa papalapit na Kasanggayahan Festival 2023 sa Oktubre 8 hanggang 17.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bobby Gigantone, Supervising Tourism Operations Officer ng Sorsogon Provincial Tourism Office, mahalaga na mapaghandaan ang naturang aktibidad lalo pa’t dalawang taon na walang pormal na selebrasyon.
Bahagi ito ng recovery program ng lalawigan lalo na sa ekonomiya at turismo dahil kailangan na maibalik ang dating sigla.
Ayon kay Gigantone, kailangan na maaga ang pagpaplano at paghahanda upang matiyak na malaki ang balik na puhunan direct man o indirect.
Kabilang din dito ang pagtiyak na maibigay ang garantisadong serbisyo sa mga turista.
Sa katunayan, target ng lalawigan na maabot ang 1 million visiting tourists ngayon na marami ang ilulunsad na aktibidad ng Sorsogon.
Sa unang bahagi pa lang ng taon, nakapagtal na ang lalawigan ng nasa 950,000 tourist arrivals.
Samantala, highlights din nin selebrasyon ang ika-454th anniversary of first mass in Luzon na isinagawa sa bayan ng Magallanes at ika-127th founding anniversary ng Sorsogon.
Inaasahan na magtatanghal ang ilang bigating celebrities at isa na rito si Vice Ganda sa grand opening ng Kasanggayan Festival 2023.