LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng apat na pagyanig ang Bulkang Mayon sa Albay batay sa 24-hour observation period ng seismic monitoring network ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa inilabas na volcano bulletin ng Phivolcs, nakasaad na nagdulot ng katamtamang labas ng puting usok ang rockfall event na naitala na patungo sa west-northwest at west- southwest direction.
Nabatid naman na bumaba sa 87 tonelada ang buga ng asupre sa pagsukat noong Marso 9, 2020.
Lumabas rin sa tala ng ahensya na may inflationary trend o pamamaga na nag-umpisa noong Pebrero 2019 batay sa record mula sa Global Positioning System (GPS) monitoring.
Patuloy naman ang paalala na iwasang pumasok sa danger zones lalo na’t nasa Alert Level 2 status pa ang Mayon.