Nagsasagawa ng inspeksyon ang Philippine Coast Guard (PCG) Bicol sa Mobo Port, Masbate kasabay ng pagpapatupad ng Oplan Byaheng Ayos Semana Santa.
Sa Sa naturang operasyon, nasabat ang 630 kahon ng sigarilyo na walang kaukulang dokumento.
Sa isinagawang imbentaryo at pagmamarka ng mga otoridad, nabatid na nagkakahalaga ang mga ito ng P15,750,000.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay LTJG Alyzza Novie Bermal, tagapagsalita ng PCG Bicol, kinumpirma niyang naaresto ang truck helper na kasama sa kargamento.
Samantala, nakatakas naman ang driver ng truck habang isinasagawa ang inspeksyon.
Dahil dito, nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga awtoridad upang siya ay maaresto.











