Anim na mga migrante ang binawian ng buhay matapos paputukan ng mga sundalo sa Mexico ang grupo ng mga migrante.

Ayon sa defense ministry na sakay ang mga ito ng isang pick-up truck na sinubukang iwasan ang military patrol.

Maliban sa mga binawian ng buhay ay sampung iba pang migrante ang nagtamo ng mga sugat.

Kabilang sa 33 mga migrante ang mga Egyptian, Nepalese, Cuban, Indian at Pakistani nationals.