vehicular accident in Bulan

LEGAZPI CITY- Sugatan ang tatlong indibidwal matapos ang nangyaring aksidente sa Barangay Somagongsong sa bayan ng Bulan, Sorsogon kaninang madaling araw.

Ayon sa impormasyon na ibinahagi ng Bulan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office – Emergency Operations Center na matapos matanggap ang impormasyon hinggil sa insidente ay agad naman na umaksyon ang MDRRMO Emergency Response Team (ERT) Charlie.

Dito naabutan ang mga pasyente na nagtamo ng mga injuries matapos umanong bumangga ang kanilang sasakyan sa isang poste ng gate sa lugar.

Ayon sa mga kinauukulan na isa sa mga pasyente ang nagtamo ng malalang injuries at nasa kritikal na sitwasyon.

Agad naman na itinakbo ang mga ito sa pagamutan matapos lapatan ng paunang lunas.

Samantala, inaalam pa ngayon ang ugat ng naturang aksidente.