LEGAZPI CITY – Nanindigan ang ilang transport group na patuloy na magsasagawa ng hakbang upang ipanawagan ang pagbasura sa deadline ng PUV consolidation sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng gobyerno.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PISTON President Mody Floranda, nakatakdang magsagawa ang grupo ng tatlong araw na nationwide transprot strike mula sa Abril 29 hangang Mayo 1.
Maliban sa MANIBELA ay marami pa ang nagpahayag ng interes na makikisa sa isasagawang kilos protesta upang idiin ang mariing pagkontra sa consolidation.
Ayon kay Floranda, mayroong mga nagpaabot ng ipormasyon sa grupo kaugnay sa pa-withdraw o pagkalas ng ilang PUV operators at drivers sa kooperatiba sa dahilang mas nawalan ng kita.
Dahil ito, hindi naniniwala ang grupo na 78% na ng mga Public Utility Vehicles operators ang nakapag-consolidate, batay sa datos ng Department of Transportation.