Tinatayang nasa 23 katao ang nasawi matapos mahulog sa bangin ang isang bus sa south-central Andes region sa Peru.

Maliban sa mga binawian ng buhay ay marami rin ang nasugatan na agad na itinakbo sa pagamutan.

Mabilis naman na nagsagawa ng search-and-rescue operation ang Peruvian police matapos ang aksidente.

Ayon sa mga otoridad na mahigit 40 ang sakay ng naturang bus na patungo sana sa Ayacucho mula sa kabisera sa Lima.

Sa kasalukuyan at patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng naturang aksaidente at kinikilala ang mga nasawing biktima.

© AFP news agency