LEGAZPI CITY- Kontrolado na ng Rural Health Unit ng Bacacay ang naitalang 21 kaso ng diarrhea sa Barangay Napao.
Ayon kay Albay Provincial Health Office Sanitation Inspector Dr. Anthony Ludovice sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na mabilis naman na naaksyunan ng bayan ang naturang problema ay mabigyan ng asistensya ang mga biktima.
Sinabi ng opisyal na pinagdududahan na mula sa inuming tubig ang dahilan ng pagkakasakit ng naturang mga pasyente.
Subalit sa kasalukuyan ay hinihintay pa umano ang resulta ng isinagawang water sampling.
Nabatid na mula sa poso ang source ng inumin ng naturang mga residente.
Samantala, nagpapasalamat naman sa Ludovice sa mabilis na aksyon ng Rural Health Unit ng Bacacay.
Kaugnay nito ay patuloy na pinag-iingat ng opisyal ang publiko sa pinagkukunan ng posibleng kontaminadong tubig upang maiwasan ang kaparehong insidente.