LEGAZPI CITY- All set na ang isasagawang Annual General Membership Assembly 2024 sa pangunguna ng Albay Electric Cooperative.

Gaganapin ito mamatang ala-1:00 ng hapon sa Albay Astrodome.

Kaugnay ng aktibidad ay nag-aalok ng libreng sakay para sa mga member consumers mula sa first, second, at third district ng Albay.

Inasahan na dadalo sa aktibidad ang mga kinatawan ng ALECO, mga member consumers at ilang kinatawan ng National Electrification Administration.

Samantala, inaasahan rin na magkakaroon ng ilang raffle kaugnay ng aktibidad.