Dalawang miyembro umano ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang binawian ng buhay matapos atakihin sa puso kasunod kan pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Philippines kay Jeffrey Celiz ay sinabi nito na winasak ang pader sa likurang bahagi ng KOJC at ginamitan ng mga teargas shots.

Marami pa umano ang nawalan ng malay matapos ang pagsalakay ng mga kapulisan na nagtungo sa compound ng naturang religious group.

Patuloy kasing pinipigilan ng mga tagasunod ng pastor ang tangkang pag-aresto kay Quiboloy na nahaharap sa mga kasong child abuse, human trafficking at iba pa.

Una ng nanindigan si Police Regional Office 11 Director Police Brigadier General Nicolas Torre III na hindi sila aalis sa compound hanggang hindi naaaresto ang pastor lalo pa at malaki ang paniniwala ng mga ito na itinatago lamang ng mga miyembro si Quiboloy.