LEGAZPI CITY – Answered prayer para sa isang Bicolana ang pagkakabilang nito sa topnotchers ng 2022 Certified Public Accountant Licensure Examination.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bethany Jayne Carizo, rank 7 sa 2022 CPA Licensure Examination, tanging ang pagkakapasa aniya ang kaniyang ipinagdasal subalit bonus pa ang pagkakapasok sa Top 10.

Pagbabahagi pa ni Carizo na hindi pa rin makapaniwala sa resulta at aminadong naging emosyunal sa sobrang kaligayahan.

Nabatid na ang ama ni Carizo ay isang construction worker habang ang ina ay housekeeper, na naging inspirasyon nito sa pagtake ng exam.

Si Carizo rin ang nag-iisang Magna Cum Laude sa batch nila ng magtapos sa kolehiyon. Payo nito sa mga magti-take ng exam na ipagpatuloy lamang kahit mahirap dahil may mga plano ang Diyos para sa bawat isa.

Samantala, pang-anim naman sa CPA Licensure exam ang close friend at kaklase ni Carizo na si Emmanuel Jerusalem.