LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang pagbuga ng lava dome at naitatalang lava flow sa bulkang Mayon.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay nakapagtala ng 19 volcanic earthquakes at 297 rockfall events sa nakalipas na magdamag.
Maliban dito ay nagkaroon rin ng 57 pyroclastic density currents o uson.
Nakapagtala rin kahapon, Enero 18 ng 3,788 tonelada ng sulfur dioxide flux.
Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang alert level 3 sa naturang bulkan.











