LEGAZPI CITY – Ni-rescue ng Barcelona Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang nasa 18 katao na sakay ng barko na sumadsad sa baybayin kan Barangay Luneta.
Isa-isang ibinaba ng mga tauhan ng MDRRMO ang mga tripulante na kanya-kanyang bitbit ng kanilang mga gamit na isinupot pasa itim na plastic bag upang hindi mabasa.
Ayon kay John Louis Enteria ng Emergency Response Team ng Barcelona MDRRMO, agad na dinala ang sakay ng barko sa kanilang opisina kung saan ito binigyan ng makakain at pansamantalang nanunuloyan sa ngayon.
Base sa kanilang imbestigasyon sumadsad umano ang barko dahil sa malalakas na alon sa dagat subalit inaalam pa rin kung may sira ito.
Hindi pa naman malaman sa ngayon kung kilang muling makakabiyahe ang nasabing barko lalo pa’t patuloy pang nakakaranas ng malalakas na hangin at mga pag-ulan sa Sorsogon epekto ng shearline.