LEGAZPI CITY – Mahigpit pa rin ang paalala ng Bureau of Fire Protection sa publiko na mag-ingat laban sa mga insidente ng sunog kahit na patapos na ang El Niño.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Senior Fire Officer 1 Leo Bonafe, Chief Intelligence and Investigation Officer ng Ligao Bureau of Fire Protection, nagpaalala ito na kahit pa natapos na ang panahon ng tag-init ay hindi nawawala ang banta ng sunog.
Batay sa tala ng tanggapan ngayong taon ay pumalo na sa 18 ang naitalang insidente ng sunog sa Ligao City na mas mataas kumpara sa nakalipas na taon.
Karamihan sa mga ito ay nangyari sa mga kabahayag habang ang iba naman ay pagkasunog ng sasakyan at grass fire.
Ayon kay Bonafe na kailangang magpatupad ng pag-iingat sa pamamagitan ng pagsiguro na hindi iiwang nakasaksak ang mga appliances lalo kung aalis ng bahay at pag-check sa mga linya ng kuryente.
Dagdag pa ng opisyal na iwasan rin ang pagkuha ng video tuwing may sunog at tumawag muna sa kanilang himpilan upang agad na makapag responde.