Nakapagtala ang Bulkang Kanlaon ng 17 volcanic earthquakes sa nakalipas na magdamag.
Maliban dito ay pumalo pa sa 4, 368 na tonelada ng sulfur dioxide ang nasukat sa bulkan na naitala kahapon, Hulyo 4.
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nananatili pa rin sa alert level 2 ang bulkang Kanlaon kaya pinaiiwas ang publiko sa pagpasok sa 4km radius permanent danger zone.
Samantala, hindi inaalis ng tanggapan ang posibleng biglaan na steam o phreatic eruption dahil sa patuloy na pagiging aktibo nito.