LEGAZPI CITY – Nadagdagan pa ang bilang ng mga barangay na malinis na kontra ilegal na droga sa Bicol region.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Philippine Drug Enforcement Agency Bicol Regional Director Edgar Jubay, nasa 17 drug affected barangays ang drug cleared na sa rehiyon.

Sa naturang bilang ay tig-anim sa Albay at Masbate, apat sa Camarines Norte at isa sa Catanduanes

Mahigpit na sumailalim sa inspeksyon ng mga miyembro ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program ang naturang mga lugar.

Sa kabuuan ay umaabot na sa 2,309 ang drug cleared barangay sa rehiyon habang 484 ang hindi pa nalilinis laban sa illegal drugs.

Ayon kay Jubay, may pinakamarami rito ang lalawigan ng Camarines Sur na may 352 na sinundan ng Albay na may 46; Camarines Norte, 24; Naga City, 14; Sorsgon pito; at Catanduanes na may lima.

Umaasam ang opisyal na paunti-unting malilinis laban sa ilegal na droga ang naturang mga barangay simula ngayong taon.

Sibalit hindi aniya ito magiging posible kung hindi makikipagtulungan ang ilang law enforcement unit at ng komunidad.