LEGAZPI CITY-Inihayag ng isang abogado na ang 14-taong-gulang na suspek sa pamamaril sa Tacloban ay maaaring isailalim sa rehabilitation ngunit maaaring hindi na sakop ng criminal liability.
Binigyang-diin niya na mayroon din itong civil liability at maaaring sumailalim sa rehabilitation intervention.
Sa ilalim ng civil liability, maaaring atasan ng korte ang menor de edad na suspek o kaya ng kanyang mga magulang na bayaran ang mga damages.
Ayon kay Public Interest Lawyer Atty. Race Del Rosario, sa isang panayam sa Bombo Radyo Legazpi, sinabi niya na karamihan sa isinasailalim dito ay mga juvenile delinquent na nakagawa ng mga krimen at binibigyan ng pagkakataong makapag-recover.
Posible rin itong isama sa mga rehabilitation intervention ng DWSD kagaya ng “Home for Boys” hanggang sa sila ay maka-recover at maging mga functional na miyembro ng lipunan.
Aniya, ipinapatupad ito upang matiyak na ang mga kabataan ay hindi magiging kriminal habang buhay at mabibigyan ng pagkakataong magbago.









