LEGAZPI CITY – Hindi na nagawang mailigtas ang buhay ng isang 13-anyos na dalagita matapos na makuryente sa Purok 3 Brgy. Sto. Cristo sa Tabaco City.

Nangyari ang insidente dakong alas-10:28 kaninang umaga.

Kinilala itong si Mary Joy Bondad Benito na residente ng Purok 3 Brgy. Sto. Cristo.

Aksidente umanong nahawakan ni Benito ang live wire ng main line habang nasa ikatlong palapag ng bahay ni Pedro Celso Cansilao.

Hindi naman kinaya ng katawan nito ang boltahe ng kuryente mula sa naturang linya na nagresulta sa pagkamatay ng biktima.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.