LEGAZPI CITY – Isa ang patay habang 15 ang sugatan sa nangyaring karambola ng tatlong sasakyan sa Brgy. Gulang-gulang, Irosin, Sorsogon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Irosin Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Head Fritzie Michelina, isang mass casualty incident ang nangyari matapos ang banggaan ng isang pampasaherong bus, delivery truck at motorsiklo.

Matapos na makatanggapa ng tawag ang operation center ng tanggapan ay agad na rumesponde sa ugar upang tulungan ang mga biktimang sangkot sa aksidente.

Tinatayang nasa 50 ang pasahero ng bus kung saan 14 dito ay sugatan kasama na ang driver ng truck habang patay naman ang driver ng motorsiklo.

Dinala sa Irosin Public Auditorium ang mga pasaherong hindi nagtamo ng injury para sa re-triage.

Napag-alaman na papunta sanang Visayas ang bus ng makabanggaan ang truck at motorsiklo.

Ayon kay Michelina, talagang accident prone area ang naturang bahagi ng Maharlika Highway kung kaya’t pinag-iingat ang mga motorista upang maiwasan ang anumang aksidente na posibleng magresulta sa pagkawala ng buhay.