LEGAZPI CITY- Pinagkalooban ang mahigit 1-k na mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng matinding El niño ng tulong pinansyal ng Provincial Government ng Catanduanes.
Pinangunahan ni Governor Joseph Cua ang pamamahagi ng nasabing ayuda kung saan tumanggap ng P10,000 ang bawat benepisyaryo.
Umabot naman sa kabuuang 10M ang halaga ng naipamahaging tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.
Inaasahang magagamit ang nasabing tulong pinansyal na mas mapabuti ang sitwasyon ng kanilang hanapbuhay sa kabila ng naging epekto ng El Niño.
Samantala, nagpasalamat naman si Governor Joseph Cua kay Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr. sa kanyang malasakit at suporta para sa mga magsasaka at mangingisdang Catanduanganon.