Engaged na ang social media personality na si Zeinab Harake sa basketball player na si Ray Parks.

Sa mga lawaran at video na ibinahagi ni Harake sa social media, makikita ang isang romatic proposal na ginawa ni Parks.

Hindi naman maiwasan na mapaluha ni Harake dahil sa tuwa kasabay ng pagbibigay ng matamis na ‘Oo.’

Samantala, present naman sa naturang marriage proposal ang mga anak ni Zeinab na sina Lucas at Bia, gayun din ang mga malapit nitong kaibigan at pamilya.

Witness din sa masayang proposal ang pamilya ng basketball player na si Parks.

Samantala, inulan naman ng pagbati ang dalawa kabilang na ang mga followers ni Zeinab na nagsasabing deserve umano nitong maging masaya matapos ang mga pinagdaanan sa nakalipas na karelasyon nito.