LEGAZPI CITY – Nakapagdevelop ang mga eksperto ng Department of Science and Technology sa Catanduanes ng mga kakaibang produkto na gawa sa abaca.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Engr. Grama Molina ang provincial director ng Department of Science and Technology Catanduanes, kasama sa mga produktong kanilang naimbento ay abaca tiles, wine at abaca vinegar.
Subalit pinakaagaw atensyon sa ngayon ang bagong imbensyon na burger patty na gawa sa abaca at nadevelop ng Abaca Technology and Innovation Center.
Ayon kay Molina, mula ito sa mismong fiber na pinagkukunan ng abaca na dating itinatapon lamang subalit naisipan na gamitin pa at gawing pagkain.
Kasama ang abaca burger patty sa mga ibibida ng ahensya at ipapatikim sa isasagawang 2024 Bicol Region Science Technology and Innovation Week sa Catanduanes State University ngayong Mayo 22 hasta 24.
Layunin ng ahensya sa pagdevelop ng mga naiibang produktong ito na mas mapalakas pa ang industriya ng abaca sa Catanduanes at makalikha ng dagdag na trabaho.