Inanunsyo ng Senatorial candidate na si Willie Ong ang pag-atras nito sa pagtakbo sa 2025 elections.
Ayon sa pahayag ni Ong na ang kaniyang pasya ay may kinalaman sa kaniyang kalusugan.
Aniya, nais niyang pagtuunan ng pansin ang pangangalaga sa kaniyang kalusugan.
Matatandaan na noong nakalipas na taon ay na-diagnose si Ong ng sakit na cancer.
Samantala, sa kabila ng pag-atras ay siniguro nito na patuloy siyang susuporta sa maayos na pamamahala at sa mga kandidato na may pagnanais na makatulong sa mahihirap na Pilipino.