LEGAZPI CITY-Ikakasa ang White Ribbon Movement bukas, Hunyo 28, 2026, sa isang bahagi ng EDSA patungong monumneto kasama ang grupong Makabayan at ibat-ibang organisasyon.

Ayon kay Former ACT Teachers Representative France Castro, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na lalahok ang grupong Makabayan sa isasagawang White Ribbon Movement bukas, alas 2:00 hanggang alas 5:00 ng hapon.

Magsisimula silang mag-martsa sa isang bahagi ng EDSA simula 1:30 at ang iba naman ay dadalo sa misa sa oras an alas 12:00 ng hapon.

Magkakaroon rin sila ng programa at magsasalita ang mga kinatawan nito.

Makikilahok rin sa pagkilos na ito ang grupo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kung saan panawagan an matigil na ang kurapsyon at managot lahat ng sangkot dito.

Binigyang diin pa ni Castro, na mahigit isang taon na mula noong SONA ni Pangulong Marcos ngunit wala pa ring nananagot.

Panawagan niya na dapat lahat ng sangkot ay managot kasabay na rin ang iba pang isyu sa nacion katulad ng political dynasty.

Maliban dito, kasama rin sa pagkilos ang mga grupong Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw Network Alliance (TAMA NA) at Kilusang Bayan Kontra Kurakot (KBKK).