The state weather bureau has issued a warning and clarification regarding the spreading and unverified information regarding the alleged two super typhoons that will form in the Philippine Area of ​​Responsibility that could hit Luzon and Visayas in November.

LEGAZPI CITY – Naglabas ng babala at paglilinaw ang state weather bureau tungkol sa pagkalat at hindi pa beripikadong impormasyon tungkol sa umano’y dalawang super typhoon na mabubuo sa Philippine Area of ​​​​Responsibility na maaaring tumama sa Luzon at Visayas sa Nobyembre.


Ayon kay Weather Specialist Christian Allen Torrevillas sa isang panayam ng Bombo Radyo Legazpi, batay sa Tropical Cyclone Threat Potential Forecast, may posibilidad na mabuo ito ngayong linggo at maaaring tumama sa bansa sa susunod na linggo.


Gayunpaman, nilinaw din niya na dahil ang forecast ay nakabase dalawang linggo mula ngayon, nananatiling mataas ang uncertainty nito kung saan maaaring magkaroon ng pagbabago sa lakas ng bagyo at sa dadaanan nito.


Sa madaling salita, sinabi niya na mayroong sama ng panahon para sa susunod na linggo batay sa forecast ngunit masyadong maaga pa para matukoy ang lakas at epekto nito sa bansa.


Sinabi ng opisyal na may mga weather model kase na nagpapakita na may mabubuo bilang mga super typhoon ngunit may iba pang mga model naman na nagsasabing hindi naman kaya mas mainam na paniwalaan ang impormasyon at update na ilalabas ng state weather bureau.


Dagdag pa niya, dapat asahan ng publiko ang unti-unting paglamig ng panahon lalo na sa buwan ng Disyembre dahil sa paglakas ng high-pressure area na isa ring senyales na nararamdaman ang epekto ng northeast-moonsoon.


Ang shearline din umano o ang pagtatagpo ng hanging amihan at ng hangin mula sa Karagatang Pasipiko ay magdadala rin ng ulan sa rehiyon ng Bicol.


Makakaranas din ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan ang buong rehiyon sa Oktubre 30 at 31 habang maulan na panahon naman sa Nobyembre 1 at 2 dahil sa Intertropical Convergence Zone.


Nanawagan si Torrevillas sa publiko na maniwala lamang sa impormasyong inilabas ng state weather bureau upang hindi magdulot ng kalituhan.