LEGAZPI CITY – Ikinokonsidera na blessing ng lokal na gobyerno ng Guinobatan ang ilang araw nang pag-ulan sa kanilang bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Paul Chino Garcia, sa loob lamang ng isang araw ay tumaas ng 40% ang level ng tubig sa kanilang mga water sources.
Napag-alaman na nitong nakaraan na El NiƱo ay halos paubos na ang suplay sa kanilang water sources kaya maraming barangay ang nawalan ng tubig.
Sa ngayon ay nakakapagsuplay na ng tubig sa barangay ng Poblacion at mga katabing Barangay base sa kanilang monitoring.
Nagdagdag na din ng panibagong mapagkukunan ng tubig sa bawat barangay upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente.
Samantala patuloy rin ang kanilang monitoring sa mga barangay na posible naman na maapektuhan ng patuloy na pag-ulan.
Nakahanda na rin ang kanilang local DRRM sakaling kailangan ng evacuation at pamimigay ng ayuda