LEGAZPI CITY – Walang nakikitang kakulangan sa suplay ng karneng baboy sa Albay, ayon sa Provincial Veterinary Office.

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Pancho Mella sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, balik-normal na ang pag-aalaga ng mga baboy sa presyo lang nagkakaroon ng pagbabago.

Kahit marami na ang suplay, hindi naman bumababa ang presyo sa palengke.

Sinabi pa ni Mella na nasa P270 hanggang P280 ang presyo ng bawat kilo ng karneng baboy sa pamilihan bago pa ang problema sa African Swine Fever (ASF) subalit bigla na lamang sumirit sa higit P300 ang bawat kilo sa kasalukuyan.

Naniniwala ang opisyal na makokontrol lamang ang presyo kung may makapagdeklarang ASF-free na sa lalawigan.