LEGAZPI CITY – Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Bicol na wala pang nabibigyan ng special permit na public utility jeepneys sa Albay upang muling makabiyahe sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Ayon kay LTFRB Bicol Acting Director Eduardo Montealto Jr. sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, inaayos pa ng ilang operators at drivers ang mga units ng jeep upang pumasa sa “road-worthiness inspection” ng LTFRB.
Isa ang naturang hakbang sa mga kinakailangan upang mababaan ng special permit habang dapat ring sundin ang health safety standards upang mapangalagaan ang mga pasahero at mismong driver laban sa coronavirus disease.
Sa datos na hawak ni Montealto, nasa siyam nang utility vans ang nakakuha ng special permit sa Albay at pinayagan nang bumiyahe.
Hiling naman nito sa publiko ang kooperasyon at malawak na pang-unawa sa bagong sistema ng transportasyon na nilalayong maging ligtas ang bawat isa.