LEGAZPI CITY – Mas mapapabilis ang proseso ng pagtataas ng minimum wage sa Bicol.
Ito ang napagkasunduan sa isinagawang pulong ng Regional Tripartite, Wages and Productivity Board V.
Ayon kay DOLE Bicol Regional Director Zenaida Campita sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, diretso na sa public hearing ang usapin sa wage increase.
Wala na umano kasing isasagawang konsultasyon.
Sa Abril 26 at 28 naman, itinakda ang public hearing sa lungsod ng Naga at Albay.
Para sa mga hindi makakarating sa personal, mapapanood din ito sa online live streaming.
Hihimayin ang halaga ng minimum wage na batay sa kakayanan ng mga namumuhunan at sasapat sa pangangailangan ng mga manggagawa.
Kung babalikan, mula P310 magiging P335 na sana ang minimum wage sa Bicol noong 2020 subalit hindi natuloy dahil sa pandemiya.
Kasama ito sa mga nagpabigat sa pamumuhay ng parehong negosyante at mga empleyado.