VP Sara Duterte SALN

Walang naideklarang cash on hand o deposits si Vice President Sara Duterte sa kaniyang Statemnent of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) simula 2019 hanggang 2024.

Nakumpirma ito kasunod ng naging pagtatanong ni Rep. Joel Chua sa nagpapatuloy na pagdinig ng impeachment laban kay VP Sara.

Ito matapos ang kumpirmasyon ni Atty. Karen Batu ng Central Records Division, Office of the Ombudsman.

Ayon sa opisyal, tumaas ang worth ng bise presidente subalit wala itong idineklara na cash on hand o bank deposits simula 2022 hanggang 2024.