Kinondena ni Vice President Sara Duterte ang umano’y hindi katanggap-tanggap na paggamit ng dahas sa mga inosenteng mamamayan at deboto ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kasunod ng pagsisilbi ng alias warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy sa compound ng KOJC sa Davao City.
Sa inilabas ng pahayag ng Bise Presidente, sinabi nitong hindi niya tinututulan ang anumang implementasyon ng warrant of arrest na naaayon sa batas, ngunit hindi nito tanggap ang paggamit ng dahas ng mga kapulisan na nagresulta umano sa harassment ng religious worshipers, abuse of minors, at unnecessary loss of life ng mga myembro ng KOJC.
Dagdag pa nito na hindi niya maiwasan na matanong sa sarili kung ang nangyare sa pagpapatupad ng naturang warrant of arrest, ay dahil si Quiboloy ay isang kilalang Duterte-supporter.
Kasabay nito humingi ng kapatawaran si Duterte sa lahat ng miyembro, deboto at bumubuo ng Kingdom of Jesus Christ dahil sa paghikayat at pakiusap nito noong nakaraang halalan na iboto ang kanyang katandem na si President Bongbong Marcos.
Maalala na kahapon ng pasukin ng mga otoridad sa pangunguna ni PRO 11 Director PBGEN. Nicolas Torre III ang KOJC compound upang arestuhin si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy at iba pang akusado.